Estudyanteng Humss
Humss o Humanities and Social Sciences. Ito ay isang strand na maaaring piliin sa patungong Senior High School.
Ako ay isang estudyante mula sa Humanities and Social Sciences. Ang nais ko ay maging isang guro at tama lang para sa napili kong strand.
Kung nais n`yo rin na maging isang guro, HUMSS ang inyong piliin. Ang HUMSS ay pwede rin sa may nais na maging isang pulis o sa kahit anong nais na may kaugnayan sa pakikipag kapawa-tao.
Sa pagpili sa Humanities and Social Sciences, makikita natin na hindi dito kelangan ng Math, pero may subject pa rin ito ng math. Pero, hindi tulad sa ibang strand, kasi mas madali ito.
Madali ang Math sa strand na ito dahil iisa lang ang maqth na iyong pag-aaralan sa isang sem. Hindi tulad ng ibang strand, na dalawa ang subject na Math na kailangang pag-aralan dahil konektado ito sa kanilang kurso.
Sa Humanities and Social Sciences, hindi lang kayo matututo sa akademiks na aralin, matututo rin kayo ng maraming bagay tungkol sa inyong sarili para mas madaling makipa kapwa-tao.
Ang HUMSS ay isa sa Major Syrand na maaaring piliin ng Grade 10 students. Hindi lang dadami ang kanilang kaalaman, dadami rin ang kanilang karanasan.
Sa pakikipagkapwa-tao, mahalagang maunawaan o maintindihan mo muna ang iyong sarili upang maintindihan at maunawaan ka rin ng taong makakasalamuha mo at iyan ay itinuturo sa HUMSS.
Dadami ang kaalaman sa akademiks dahil sa iba`t ibang subjects na iyong pag-aaralan. Dadami rin ang karanasan dahil sa mga pinapagawa ng guro na may kaugnayan sa pakikipagkapwa-tao.
Ipinagmamalaki ko ang Humanities and Social Sciences dahil masasabi kong marami akong natutuhan.
Comments
Post a Comment